Tuesday, 13 November 2012
My College Super Friends :3
Ayon.. wahahaha.. medyo matagal tagal na kami magkakakilala..
Ako, Si Sab, Si Bea, Si Myka at si Abby..
First day pa lang ng school nakasama ko na si sab at si bea.. kasama na din si clinton.. hanggang dumagdag si Abby at Myka..
5 Months na kami magkakakilala..Sa limang buwan na yun ay maraming mga memories na nangyari.
Mga tawanan na halos pagtinginan na kami ng mga tao sa paligid. Mga kabaliwan. Mga katangahan. Mga kalokohan. pero sa mga kawerduhan na yun ehh nakilala namin ang isat-isa at sa mga tatagal pang mga panahon alam kong hindi matitinag at masisira ang samahan namin.
Sa mga panahong dumaan ay may mga bagay na tumatak, nagpasaya, at nagulat sila.. ayun ay yung sinorpresa namin sila sa kaarawan nila ayun ay si bea at sab..
Mahilig din kami magvolunteer katulad nuong tree planting at nung tumulong kami sa pamimigay ng lugaw sa mga nasalanta ng baha sa BAE.
Nagtutulungan din kami sa pag-aaral. Tanungan ng assignment pero kumokopya din hahaha. Minsan todo todo review kami.
Madalas din kami tumambay nuon sa library o clir kung tawagin sa school namin.
Hindi mawawala ang pagkkwentuhan namin sa mga crush namin.. yun bang sobra kami kung magstalk hahaha..
Malakas din mga trip namin.. Yung bang kapag bored kami ay madaming kalokohan ang nangyayari.
Nangyari nung bored kami ay:
1.) Minsan iniikot namin ang buong school at titingnan namin ang mga classroom at kakawayan namin ang mga kakilala namin sa loob.
2.) Kumanta sa ETY at napagalitan ng guard.. sila yun, hindi ako kumanta nun kasi BZ ako sa binabasa kong libro ni marcelo santos III
3.) naglaro ng shoot ng bola sa bote, MMA VS. MT hahaha
4.) Fooddd trip
5.) Picture takingg.. picture dito, picture duon..
6.) Gumawa ng mga videos videos hahaha..
at marami pang ibaaa.. sa dami hindi ko na matandaan yung iba..
Ayun walang lang.. sila ang college super friends ko.. :D
THE END :3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment